Lalaki na Top 1 Regional Target High-Value Individual, tiklo sa buy-bust operation sa Digos, Davao Del Sur
- Sep 8, 2025
- 1 min read
iMINDSPH

Timbog ang Top 1 Regional Target High-Value Individual sa buy-bust operation kung saan nasamsam ang mahigit tatlong daang libong piso na halaga ng suspected shabu.
Kinilala ang suspek sa alyas na “Kap” na inaresto araw ng Miyerkules, September 3 sa Barangay Kiagot, Digos City.
Ayon sa awtoridad, isinilid umano sa siyam na heat-sealed plastic sachets ang suspected shabu kasama ang iba pang non-drug items.
Kasong paglabag sa Sec 5 at 11 ng RA 9165 ang isasampa laban sa suspek.



Comments