Lalaki na Top 10 High Value Individual ng Davao Region, timbog sa buy-bust operation sa Nabunturan, Davao de Oro
- Teddy Borja
- Sep 5
- 1 min read
iMINDSPH

Arestado ng awtoridad ang Top 10 High Value Individual ng rehiyon sa ikinasang buy-bust operation.
Kinilala ang suspek sa alyas na “Ken”.
Ang buy-bust operation ay ikinasa, araw ng Lunes, September 1 sa Barangay Pangutosan.
Nakumpiska ng awtoridad ang isang large heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng pinaniniwalaang shabu na may standard drug price na 136,000.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165.



Comments