Lalaki na tumangay sa motorsiklo ng isang estudyante sa Isulan, Sultan Kudarat, arestado; Motorsiklo, narekober sa bayan ng Esperanza
- Teddy Borja
- Sep 10
- 1 min read
iMINDSPH

Arestado ang isang suspek ng carnapping at narekober ang tinangay nitong motorsiklo sa bayan ng Esperanza.
Inireport ng biktimang 15-anyos na estudyante ang nawawalang motorsiklo sa Isulan Municipal Police Station, alas 4:30 ng hapon, Martes, September 9.
Ayon sa pulisya, naka park umano ang motor sa tabi ng isang warehouse sa Barangay Kalawag nang mawala ito.
Ala 5:00 ng hapon nang ma-intercept ng awtoridad ang nawawalang motorsiklo sa National Highway ng Brgy. Ala, Esperanza na minamaneho ng isang 23-anyos na suspek na residente ng Datu Piang, Maguindanao del Sur.
Dinala na sa Isulan Police Station ang suspek na sasampahan ng kasong paglabag sa New Anti-Carnapping Act of 2016



Comments