Lalaki na wanted sa kasong child abuse, arestado sa Koronadal City
- Teddy Borja
- Oct 28
- 1 min read
iMINDSPH

Arestado ng awtoridad ang isang lalaki na wanted sa kasong child abuse.
Kinilala ang suspek sa alyas na “Jek-Jek”, residente ng Barangay Sto. Niño, Koronadal City, South Cotabato.
Inaresto ito ng awtoridad araw ng Linggo, October 26 sa bisa ng Warrant of Arrest.
Nasa kustodiya na ng Koronadal City Police Station ang suspek para sa documentation at proper disposition.



Comments