top of page

Lalaki na wanted sa kasong murder at frustrated murder, arestado sa Monkayo, Davao de Oro

  • Teddy Borja
  • 2 days ago
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Arestado ang isang lalaki na Regional Most Wanted sa kasong murder at frustrated murder sa Monkayo.


Inaresto ang suspek na kinilala sa alyas na “Anthony”, araw ng Sabado, November 1.


Hinuli ito sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu ng 11th Judicial Region, Compostela, Davao de Oro, na may petsa na December 20, 2021.


Walang inirekomendang piyansa ang korte sa kasong murder habang 120,000 pesos naman ang itinakdang piyansa sa kasong frustrated murder.


Hawak na ng Monkayo Municipal Police Station ang suspek para sa proper documentation at disposition.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page