top of page

Lalaki, patay matapos barilin habang nagmamaneho ng kanyang payong-payong sa Poblacion Dalican, Datu Odin Sinsuat, Maguindano Del Norte

iMINDSPH


Kinilala ang biktima na si Saber Mohamad, residente ng Barangay Makir, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao Del Norte.


Binaril ang biktima alas 11:18 ng umaga, araw ng Linggo, February 23 sa Poblacion, Dalican ng bayan.


Ayon sa otoridad, minamaneho ng biktima ang kanyang payong-payong ng sundan ng isang hindi pa kilalang suspek saka binaril.


Dinala sa pagamutan ang biktima pero dineklara itong wala ng buhay ng attending physician.


Wala pang pagkakakilanlan ang mga otoridad sa suspek at hindi pa tukoy ang motibo sa krimen.

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page