top of page

Lalaki, patay sa pamamaril sa Barangay sa Kayupo, Pandag, MDS

  • Teddy Borja
  • 5 days ago
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Sa report ng pulisya, sakay umano ng motorsiklo ang biktima at binabaybay ang provincial road ng Barangay Kayupo, Pandag, Maguindanao del Sur alas-sais kagabi, nang biglang tabihan ng mga suspek na sakay din ng motorsiklo.


Agad na pinaputukan ng mga suspek ang biktima na tumama sa kanyang ulo at kanang bahagi ng tiyan, dahilan ng kanyang agarang pagkamatay.


Kinilala ang biktima na si Samsudin Minggay, nasa hustong gulang, walang trabaho at residente ng bayan ng Paglat sa parehong lalawigan.


Narekober naman sa crime scene ang anim na basyo ng bala mula sa hindi pa natutukoy na kalibre ng baril.


Kasalukuyan namang nakikipag-ugnayan ang mga pulisya sa pamilya ng biktima para sa malalimang imbestigasyon sa krimen.


Patuloy ang imbestigasyon ng mga pulisya upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga suspek at ang motibo ng pamamaril.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page