top of page

LALAKI, PATAY SA PAMAMARIL Suspek, tinangay pa ang motorsiklo ng biktima

  • Apr 16
  • 1 min read

iMINDSPH


Sa Maguindanao del Norte —

Patay ang isang 24-anyos na lalaki matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek habang nagmamaneho ng kanyang motorsiklo sa Datu Odin Sinsuat. Matapos ang pamamaril, tinangay pa umano ng suspek ang motorsiklo ng biktima Kinilala ang biktima na si alyas "Mohaimin", 24 anyos, may asawa, at residente ng Poblacion Dalican sa nasabing bayan.


Batay sa paunang imbestigasyon, binabaybay ng biktima ang kalsada sakay ng kanyang motorsiklo nang bigla na lamang siyang harangin ng hindi pa nakikilalang suspek at pinagbabaril gamit ang kalibre .45.


Agad rumesponde ang mga tauhan ng Datu Odin Sinsuat Municipal Police Station matapos i-report ang insidente bandang ala-una ng hapon. Natagpuan ang biktima sa kritikal na kondisyon at isinugod sa Dalican Municipal Hospital ngunit idineklarang dead on arrival ng attending physician.


Sa crime scene, narekober ng awtoridad ang dalawang basyo ng bala. Matapos ang pamamaril, tinangay pa umano ng suspek ang motorsiklo ng biktima bago tumakas.


Patuloy pang inaalam ng awtoridad ang motibo sa krimen habang isinasagawa ang hot pursuit operation laban sa suspek at follow-up investigation upang matukoy ang pagkakakilanlan nito at posibleng mga saksi.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page