top of page

Lalaki sa Matanog, Maguindanao del Norte, huli sa anti-illegal drug operation ng awtoridad;Hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng ₱8,160, nasamsam

  • Jan 7
  • 1 min read

iMINDSPH



Himas rehas ang isang indibidwal na umano’y sangkot sa ilegal na droga matapos ang isinagawang anti-illegal drug operation ng awtoridad.


Nakatanggap umano ng impormasyon ang Matanog Municipal Police mula sa Barangay Intelligence Network (BIN) hinggil sa isang indibidwal na umano’y sangkot sa ilegal na droga sa lugar.


Agad na rumesponde ang Municipal Drug Enforcement Unit para sa verification.


Pagdating ng mga pulis sa lugar, nagtangkang tumakas ang suspek subalit nahabol at naaresto ito ng mga operatiba.


Nakumpiska mula sa suspek ang apat na sachet ng hinihinalang shabu na may tinatayang kabuuang timbang na 1.2 gramo na may halagang ₱8,160.00, kasama ang dalawang lighter at isang tooter bilang non-drug evidence.


Isinailalim sa wastong marking, inventory, at dokumentasyon ang mga nasamsam na ebidensya.


Nasa kustodiya ng Matanog MPS ang suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page