Lalaki sa South Upi, Maguindanao del Sur, kulong matapos isilbi ng awtoridad ang warrant of arrest sa kasong paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act
- Teddy Borja
- Aug 6
- 1 min read
iMINDSPH

Himas rehas ang isang lalaki mula sa South Upi, Maguindanao del Sur matapos isilbi ng awtoridad ang warrant of arrest sa kasong paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.
Kinilala ng awtoridad ang suspek sa alyas na “Roger”.
Isinagawa ang operasyon a-4 ng Agosto sa Sitio Ilak, Barangay Kuya, South Upi.
Ang suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act No. 10591 o ang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.
Ang warrant of arrest laban sa suspek ay inilabas ni Judge Ysnaira Ibrahim, Acting Presiding Judge ng RTC Branch 13, 12th Judicial Region, Cotabato City.
Inirekomenda ng korte ang piyansa sa kaso na nagkakahalaga ng Php 200,000.00.
Matapos ang pagkakaaresto, dinala ang suspek sa South Upi Municipal Police Station para sa kaukulang dokumentasyon at proseso.
Pinuri ni PCOL Sultan Salman Sapal, Provincial Director ng Maguindanao del Sur Police Provincial Office, ang determinasyon at koordinasyon ng mga yunit na nakiisa sa operasyon.



Comments