Lalaki, sugatan matapos pagbabarilin ng dalawang hindi pa nakikilalang suspek sa Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte
- Jan 19
- 1 min read
iMINDSPH

Sugatan ang isang lalaki nang pagbabarilin habang minamaneho ang kanyang sasakyan sa kahabaan ng national highway sa Barangay Crossing Simuay, Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte.
Kinilala ang biktima na si "Jun", may asawa, nasa hustong gulang, self-employed, at residente ng Purok Masigay, Barangay Tapayan, Sultan Mastura, Maguindanao del Norte.
Bandang 7:28 ng umaga, Lunes, January 19, 2026, minamaneho ng biktima ang isang puting multicab na may plakang MAN 1460 sa national highway nang bigla siyang pagbabarilin ng dalawang hindi pa kilalang suspek na sakay umano ng isang asul na Bajaj.
Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, parehong nakasuot ng itim na damit at itim na cap ang mga suspek, at gumamit ng hindi pa matukoy na baril. Nagtamo ng gunshot wound ang biktima.
Mabilis na tumakas ang mga suspek patungo sa hindi pa matukoy na direksyon matapos ang pamamaril.
Isinugod ang biktima sa ospital para sa agarang lunas. Sa isinagawang crime scene processing, dalawang (2) basyo ng bala na hinihinalang mula sa caliber .45 ang narekober ng mga awtoridad.
Patuloy ang hot pursuit operation at masusing imbestigasyon ng pulisya sa koordinasyon ng Regional Forensic Unit BAR upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga suspek at ang motibo sa pamamaril.



Comments