top of page

Lalaking vendor, arestado sa Davao City, habang nasamsam naman ang iba't ibang uri ng ilegal na paputok sa entrapment operation

  • Dec 31, 2025
  • 1 min read

iMINDSPH


Arestado ang isang lalaking vendor matapos masamsam ang iba’t ibang uri ng ipinagbabawal na paputok sa isinagawang entrapment operation ng Toril Police Station sa Toril Public Market, Davao City. Bandang alas-2:40 ng hapon ng December 29, 2025, isinagawa ang entrapment operation ng Toril Police Station matapos mamonitor ang umano’y pagbebenta ng mga ipinagbabawal na paputok sa loob ng Toril Public Market.


Sa operasyon, inaresto si alias “Salman”, 27-anyos, may asawa, at residente ng Lao Street, Toril Public Market, Toril, Davao City.


Nasamsam mula sa suspek ang iba’t ibang uri ng ilegal na paputok.


a.) One (1) ream ng Leopard King firecrackers

b.) Two (2) reams ng Leopard King firecrackers

c.) Two (2) reams ng Original Piccolo firecrackers

d.) One (1) ream ng Satu Missiler firecrackers

e.) One (1) ream ng Three (3) Star firecrackers

f.) Three (3) sticks ng Roman Candle, 60 shots

g.) Four (4) sticks ng Roman Candle, 30 shots

h.) Three (3) boxes ng sparklers


Lahat ng nakumpiskang paputok ay minarkahan, idinokumento, at isinailalim sa inventory alinsunod sa umiiral na police procedures.


Inihahanda na ang kaso laban sa suspek para sa violation ng City Ordinance 060-02 o Davao Firecracker Ban Ordinance, at Republic Act 7183.


Ayon sa awtoridad, mariing ipinatutupad ang pagbabawal sa paggamit, pagmamay-ari, at pagbebenta ng paputok sa Davao City, lalo na ngayong holiday season.


Dagdag pa ng opisyal, nananatiling no-firecracker zone ang Davao City at patuloy na hinihikayat ang publiko na makipagtulungan upang matiyak ang ligtas, mapayapa, at injury-free na pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon.


 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page