top of page

Lalawigan ng Basilan, walang naitalang firecracker o pyrotechnic-related incident sa pagsalubong ng Bagong Taon

  • Jan 2
  • 1 min read

iMINDSPH



Kinumpirma ni Police Colonel Cerazzid Umabong, Provincial Director ng Basilan Police Provincial Office, na zero o walang naitalang firecracker at pyrotechnic-related incident sa buong probinsya, kabilang ang lungsod ng Lamitan, sa kasagsagan ng pagdiriwang ng Bagong Taon.


Nilinaw ng opisyal na ang Isabela City ay hindi sakop ng ulat dahil ito ay nasa ilalim ng Region IX o Zamboanga Peninsula.


Kinilala naman ni Basilan Governor Mujiv Hataman ang koordinadong pagkilos ng security sector sa pagpapanatili ng kaayusan at kaligtasan ng mga mamamayan sa panahon ng selebrasyon.


Dagdag pa ng Basilan PNP, bukod sa walang naitalang firecracker-related incident, wala ring naitalang anumang untoward incident sa buong holiday season, dahilan upang maituring na maayos at payapa ang pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon sa probinsya.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page