Lanao del Sur 1st District Rep. Zia Alonto Adiong, itinalaga bilang chairperson ng Committee on Suffrage and Electoral Reforms ng Kamara
- Diane Hora
- Oct 13
- 1 min read
iMINDSPH

Mainit na pagbati ang ipinaabot ni Member of Parliament, Atty. Naguib Sinarimbo kay Lanao del Sur 1st District Congressman Zia Alonto Adiong sa kanyang bagong tungkulin bilang Chairperson ng Committee on Suffrage and Electoral Reforms sa 20th Congress.
Umani ng pagbati ang kongresista kung saan ayon sa mga kasamahan niya sa kongreso, karapat-dapat si Congressman Adiong sa posisyon dahil sa kanyang tapat na paglilingkod, dedikasyon sa demokrasya at malasakit sa mamamayan.
Ayon kay MP Sinarimbo, matagal nang kilala si Adiong bilang isang lingkod-bayan na may integridad, sipag at malasakit, lalo na sa pagpapatupad ng mga programang naglalayong mapabuti ang pamamahala at mapalakas ang tiwala ng publiko sa halalan.
Kumpiyansa ang marami na sa ilalim ng kanyang pamumuno, maisusulong ang mga makabuluhang reporma upang mapanatili ang katarungan at integridad ng ating electoral system.



Comments