Lanao del Sur Congressman Zia Alonto Adiong, naghain ng panukalang batas na naglalayong amyendahan ang BOL at itakda sa September 28, 2026 ang kauna-unahang Parliamentary Elections sa BARMM
- Diane Hora
- Jan 21
- 2 min read
iMINDSPH

Inihain ni Congressman Zia Alonto Adiong, kinatawan ng unang distrito ng Lanao del Sur at chairperson ng House Committee on Suffrage and Electoral Reforms, ang House Bill No. 7236 na naglalayong amyendahan ang Bangsamoro Organic Law o Republic Act No. 11054.
Sa ilalim ng panukala, iminungkahing ilipat sa Setyembre 28, 2026 ang kauna-unahang regular parliamentary elections sa BARMM.
Layunin umano nitong tugunan ang umiiral na legal gap na dulot ng mga naging desisyon ng Korte Suprema—kabilang ang exclusion ng Sulu sa BARMM at ang pagpapawalang-bisa sa mga naunang redistricting laws tulad ng Bangsamoro Autonomy Acts Nos. 58 at 77 ayon sa ulat ng isang pahayagan.
Co-author ng panukala si Yasser Alonto Balindong, kinatawan ng ikalawang distrito ng Lanao del Sur.
Ayon kay Adiong, sa pamamagitan ng pag-amyenda sa batas, masisiguro na ang kauna-unahang parliamentary elections sa BARMM ay maisasagawa nang mapayapa, maayos, at ganap na naaayon sa batas, alinsunod sa Konstitusyon, Bangsamoro Organic Law, at umiiral na jurisprudence, dagdag pa sa report.
Pinuri rin ni Adiong ang Bangsamoro Transition Authority Parliament sa pagpasa ng Parliament Bill No. 415 o ang Bangsamoro Parliamentary Districts Act of 2025 sa ikatlo at huling pagbasa—isang hakbang na itinuturing na mahalagang pundasyon ng isang lehitimo at mapayapang halalan.
Sa ilalim ng nasabing batas, itinatag ang 32 single-member parliamentary districts sa BARMM: siyam sa Lanao del Sur; lima sa Maguindanao del Norte; lima sa Maguindanao del Sur; apat sa Basilan; apat sa Tawi-Tawi; tatlo sa Cotabato City; at dalawa sa Special Geographic Area.
Ayon kay Adiong, ang malinaw na district allocation na ito ay magtitiyak na ang bawat sektor at komunidad sa Bangsamoro ay may boses sa isang tunay na inklusibong Parliament.



Comments