Land preparation at road concreting projects ng Maguindanoa del Sur provincial government mula sa bayan ng Talayan patungong Datu Hoffer, puspusan na
- Diane Hora
- Oct 14
- 1 min read
iMINDSPH

Puspusan na ang land preparation and road concreting project ng Maguindanao del Sur Provincial Government mula bayan ng Talayan patungong Datu Hoffer.
Isinagawa nitong Lunes ang ocular inspection sa land preparation at road concreting project ng Provincial Government ng Maguindanao del Sur mula Talayan patungong Datu Hoffer.
Sa pangunguna nina Governor Datu Ali Midtimbang at Vice Governor Ustadz Hisham Nando, layon ng proyekto na tinaguriang “road to peace and development” na buksan ang oportunidad, kapayapaan at kaunlaran sa lugar.
Sa ngayon, labing dalawang kilometro na ang nabuksang kalsada mula sa planong 40 kilometers road.
Sinimulan na rin ang road opening mula Talayan patungong South Upi.
Ayon kay Gov. Midtimbang, sa panahong natapos na ang proyekto, ay mag-iimbita sila ng mga imbestor upang lalong mapaunlad ang ekonomiya at mabigyan ng trabaho ang mga residente lalo na ang mga katutubo, settler community at mga Bangsamoro sa lugar.



Comments