top of page

LBO na binubuo ng 634 Moro Organizations at ilang miyembro ng BTA Parliament, naghain ng petisyon sa Supreme Court na humihiling na ideklara na unconstitutional ang BAA No. 77

  • Diane Hora
  • Aug 29
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Naghain ng petisyon sa Korte Suprema ngayong araw ang 634 Moro Organizations na nakabase sa Cotabato at ilang miyembro ng BTA Parliament na nanawagan sa Supreme Court na ideklarang unconstitutional ang Bangsamoro Autonomy Act No. 77 o ang Bangsamoro Parliamentary Redistrict Act of 2025.


ree

Pinangunahan ni BTA Deputy Speaker Atty. Lanang Ali Jr. ang paghahain ng petisyon sa Korte Suprema ngayong araw na kumukuwestiyon sa constitutionality ng Bangsamoro Autonomy Act No. 77 o ang Bangsamoro Parliamentary Redistricting Act of 2025 na nilagdaan ni BARMM Interim Chief Minister Abdulraof Macacua.


Ayon sa petisyon, nilabag umano ng BAA No. 77 ang konstitusyon at ang Bangsamoro Organic Law dahil sa tinatawag na gerrymandering na nagpapabor sa mga traditional politicians kaysa umano sa democratic will ng Bangsamoro.


Partikular na tinukoy sa petisyon ang Section 4 kung saan isa anilang paglabag ang pagbibigay ng kapangyarihan sa presidente na magtalaga ng pitong miyembro ng Parliament sa idadaos na October 13, 2025 First BARMM Parliamentary Elections, isang probisyon anila na maari lamang gawin sa transition period ng Bangsamoro Transition Authority (BTA).


Nanawagan din ang grupo na ituloy ang BARMM Election sa Oktubre at sibakin sa pwesto si OPAPRU Secretary Carlito Galvez Jr. dahil sa umano’y political interference nito sa internal affairs ng BARMM.


Dagdag na panawagan ng grupo na itigil na ang Unilateral Implementation ng CAB.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page