“LEAD LIKE THE BABAYLANS, FILIPINAS” Tema sa selebrasyon ng 2026 National Women’s Month kung saan pinangunahan ng BWC ang pagdiriwang nito sa Cotabato City kasama ang MOLE BARMM at iba pang tanggapan
- 9 hours ago
- 2 min read
iMINDSPH

Nakiisa ang MOLE BARMM sa kick-off ceremony ng selebrasyon ng National Women’s Month na pinangunahan ng BAngsamoro Women Commission kasama ang iba pang ministries, offices, at agencies ng Bangsamoro Government.
Ang aktibidad ay may temang “Lead like the Babaylans, Filipinas,” na nagsisilbing panawagan sa kababaihan na ipagpatuloy at palakasin ang kanilang mahalagang papel sa pagbabago at pag-unlad ng lipunan.
Sa kanyang welcome address, binigyang-diin ni Hadja Bainon Karon, Chairperson ng Bangsamoro Women Commission (BWC), na ang pamumuno ng kababaihan ay hindi na lamang pangalawang layunin kundi isang mahalagang pundasyon sa paghubog ng mas makatarungan at inklusibong lipunan.
Hinimok din niya ang mga dumalo na kilalanin at parangalan ang mga kababaihang “namumuno nang may karunungan, tapang, at malasakit,” na aniya ay sumasalamin sa layunin ng MOLE na patuloy na palakasin ang papel ng kababaihan sa regional workforce.
Bilang bahagi ng programa, nagsagawa rin ng interactive question-and-answer session tungkol sa mga batas na may kaugnayan sa kababaihan upang mapalawak ang kaalaman ng mga kalahok at maipakita ang mga hakbang ng pamahalaan tungo sa isang mas inklusibo at patas na Bangsamoro.
Samantala, ibinahagi ni PMAJ Elmira Relox, Chief ng Women and Children Protection Desk ng Police Regional Office–BAR, ang kanyang karanasan sa paglilingkod sa publiko.
Ayon sa kanya, patuloy nilang pinapalakas ang mga sistema upang maprotektahan ang mga biktima, masuportahan ang mga survivors, at maisulong ang hustisya, habang ibinabalik din ang pag-asa sa mga komunidad.
“Ang ‘Lead like the Babaylans, Filipinas’ ay panawagan sa Bangsamorong kababaihan na mamuno nang may tapang, malasakit, at paglilingkod sa komunidad”, aniya.
Sa ilalim ng pangkalahatang temang “WE for Gender Equality and Inclusive Society,” nananatiling nakatuon ang MOLE sa pagpapatibay ng mga polisiya sa lugar ng trabaho na nagsusulong ng gender equality at pantay na oportunidad para sa lahat ng kababaihan sa Bangsamoro region.



Comments