LEADERSHIP TRAINING NG SLP MEMBERS sa Lanao del Sur, isinagawa ng MSSD para sa pagpapatibay ng kakayahan ng mga asosasyon
- Apr 17
- 1 min read
iMINDSPH

571 miyembro ng Sustainable Livelihood Program Associations mula sa tatlong bayan sa Lanao del Sur ang sumailalim sa Organizational Development and Leadership Training ng MSSD, noong Abril 6–7, 2026.
Sa bilang na ito, 277 miyembro mula sa Piagapo ang unang sumailalim sa pagsasanay noong Abril 6.
Noong Abril 7, 277 miyembro mula sa Lumba Bayabao at 17 miyembro mula sa Zero Hunger SLPA ng Masiu ang lumahok sa training.
Layunin ng pagsasanay na palakasin ang kakayahan sa pamumuno, paggawa ng desisyon, organisasyonal na pag-unlad, at epektibong pamamahala ng kanilang mga samahan.
Tinalakay rin sa pagsasanay ang financial literacy para sa wastong paghawak at pamamahala ng kita.
Bilang bahagi ng aktibidad, nagsagawa ng halalan para sa mga bagong opisyal at pormal na paglagda sa bylaws ng kanilang mga asosasyon.
Ang mga SLPA ay binubuo ng mga benepisyaryo ng Sustainable Livelihood Program, isang nationally funded program na naglalayong palakasin ang kakayahan ng mga indibidwal at samahan mula sa bulnerableng sektor.
Sa ilalim ng programa, bumubuo ang mga benepisyaryo ng mga negosyo na sama-samang pinamumunuan at pinalalago bilang pangmatagalang kabuhayan.



Comments