top of page

League of Bangsamoro Organizations (LBO), naghayag ng buong suporta sa liderato ng MILF at kay Chairman at UBJP President Al Haj Murad Ebrahim

  • Sep 10, 2025
  • 1 min read

iMINDSPH



Mainit na tinanggap ni Moro Islamic Liberation Front Central Committee (MILF-CC) Chairman, at United Bangsamoro Justice Party (UBJP) President Al Haj Murad Ebrahim ang League of Bangsamoro Organizations (LBO).


Bumisita kay Chairman Ebrahim ang LBO sa MILF Central Headquarters sa Camp Darapanan, Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte, ngayong araw.


Naghayag ng buong supporta sa liderato ng MILF at tiwala kay Chairman Al-Haj Murad Ebrahim ang League of Bangsamoro Organizations (LBO) na mula sa iba’t ibang panig ng BARMM.


Ipinangako ng LBO ang kanilang buong suporta at pakikipagtulungan sa pamunuan upang isulong ang moral governance at mapanatili ang mga nakamit ng proseso ng kapayapaan.


Binigyang-diin nila na ang pagkakaisa ang susi tungo sa mas matatag at mas maunlad na Bangsamoro.



 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page