League of Bangsamoro Organizations, nagtungo muli sa Korte Suprema at nanawagan ng pagkakaisa para ituloy ang 2025 BARMM Parliamentary Elections sa October 13
- Diane Hora
- Sep 30
- 1 min read
iMINDSPH

Nagtipon muli sa harap ng Korte Suprema ngayong araw ang League of Bangsamoro Organizations. Inihayag ng mga ito ang sama-samang panawagan para sa demokrasya, katarungan, at tunay na pagpapatupad ng kapayapaan sa rehiyon.

Muling iginiit ng grupo na ituloy ang nakatakdang BARMM Election sa Oktubre 13, 2025, tuluyang ibasura ang Bangsamoro Autonomy Act No. 77, tutulan ang Gerrymandering at igalang at ipatupad ang Kasunduang Pangkapayapaan sa pagitan ng GPH at MILF!

Ayon sa grupo, ang pagtitipon ay hindi anila simpleng pagkilos. Ito umano ay paninindigan para sa demokrasya, para sa hustisya, at para sa pangako ng kapayapaan na pinaghirapan ng Bangsamoro.

Muling hinikayat ng LBO ang publiko, media, at mga tagasuporta ng kapayapaan na makiisa sa mga susunod pang pagkilos upang ipaglaban ang karapatan ng Bangsamoro at tiyakin ang integridad ng proseso ng halalan at ang pagpapatupad ng mga kasunduang pangkapayapaan.



Comments