top of page

Leatherback Sea Turtle, isa sa pinakamalaking uri ng pawikan sa mundo, namataan ng isang mangingisda habang nasa dagat sa Mati City

  • Feb 19
  • 1 min read

iMINDSPH



Hindi makapaniwala ang mangingisda na si Adelliano Maya Jr., 34-anyos, matapos makita nang malapitan ang isang pawikan na kilala bilang leatherback sea turtle, ang isa sa pinakamalaking uri ng pawikan sa buong mundo. Ayon sa kanya, sa halos 20 taon niyang pagiging mangingisda, ngayon lamang siya nakakita ng ganito kalaking pawikan.


Ang leatherback sea turtle ay naiiba sa ibang uri ng pawikan dahil wala itong matigas na shell. Sa halip, ang likod nito ay parang balat na makinis at may rubbery texture. Maaari itong lumaki nang higit dalawang metro ang haba at tumimbang ng mahigit 600 kilo.


Kilala rin ang species na ito bilang endangered o nanganganib nang maubos dahil sa polusyon sa dagat, pagkakasabit sa lambat, at pagkasira ng kanilang nesting sites.


Nagpaalala naman si Adelliano sa publiko na kung sakaling makakita ng ganitong uri ng pawikan, huwag itong galawin o gambalain at hayaan lamang ito sa natural nitong tirahan sa dagat.


Ang pagkakakita sa isang leatherback sea turtle sa nasabing lugar ay itinuturing na bihira.


Patuloy namang hinihikayat ang publiko na protektahan ang mga yamang-dagat at i-report sa kinauukulan ang anumang kahalintulad na insidente upang matiyak ang kaligtasan ng mga nanganganib na species.


END


 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page