Legal complications sa usapin sa pagpasa ng panibagong BARMM districting law, dapat pag-usapan sa plenary; Districting bill, dapat ipasa ayon kay MP Naguib Sinarimbo
- Jan 7
- 1 min read
iMINDSPH

Asahang isasalang sa ipinatawag na special session ng BTA parliament sa January 12, 2026 ay ang committee report ng Rules at Local Government Committees gayudin din ang certification ni ICM Abdulraof Macauca hinggil sa districting bill.
Ito ang sinabi ni BTA Deputy Floor Leader Atty. Naguib Sinarimbo. Ito ay kahit pasok na sa prohibited period sa ilalim ng registration law ang pagtalakay nito at aniya ay nagsasaad na hindi maaring i-alter ang mga presinto sa loob ng 120 days bago ang election.
Pero nanindigan si MP Sinarimbo na dapat talakayin sa plenary at isabatas ang districting bill.



Comments