LET’S ALL WATCH CLOSELY AND DISCERN!
- Diane Hora
- Oct 7
- 1 min read
iMINDSPH

Hindi malayong magpapasa muli ng panibagong batas sa Kongreso para i reset at i-synchronize ang BARMM elections at local at national elections sa 2028. Ito ang sinabi ni UBJP Vice President Mohagher Iqbal sa kanyang facebook post.
Ilang scenario ang nakikita ng opisyal na maaring kahihinatnan ng BARMM Parliamentary Elections.
Sa kanyang facebook post, ibinahagi ni UBJP Vice President Mohagher Iqbal ang scenario hinggil sa BARMM Parliamentary Elections.
Una aniya, ang kauna-unahang parliamentary elections sa BARMM ay maaaring ganapin sa araw mismo o bago ang March 31, 2026 — kung maipapasa aniya ang bagong redistricting bill bilang batas.
Pangalawang scenario ayon sa opisyal, posible rin na hindi ito mangyari sa susunod na taon, kundi sa May 2028, dahil sa iba’t ibang dahilan.
At ang pinaka-matimbang sa lahat — ayon sa kutob nito — ay dahil lahat ng ingay at gulo ngayon ay bahagi aniya ng grand design para sa kontrol at panalo sa 2028.
Aniya, hindi malayong magkaroon muli ng panibagong batas sa Kongreso na magre-reset at magsi-synchronize ng BARMM elections sa local at national elections sa 2028.
Wika ni Iqbal sa kanyang post, “Let’s all watch closely and discern!”




Comments