LGU Health Scorecard Monitoring, isinagawa sa Basilan
- Diane Hora
- Oct 28
- 1 min read
iMINDSPH

Bumisita sa Office of the People’s Governor sina Engr. Tohami Ibrahim ng Ministry of Health at Harry Bert Hadjala ng Integrated Provincial Health Office Basilan para sa LGU Health Scorecard monitoring at validation ng lalawigan.
Sa kanilang pakikipag-ugnayan kay Basilan Governor Mujiv Hataman, tinalakay ang mga hakbang kung paano mapapalakas pa ang mga programang pangkalusugan sa buong Basilan mula sa mga Rural Health Units hanggang sa Provincial Hospital.
Layunin nitong masiguro na bawat mamamayan ay may access sa maayos, abot-kaya at dekalidad na serbisyong medikal, bilang bahagi ng adbokasiya ng provincial government na itaguyod ang kalusugan para sa kaunlaran.



Comments