LGU Sultan Mastura, agad na tumugon sa mga isyung tinalakay sa Expanded “B.I.S.I.T.A. SA BARANGAY” na ginanap sa Simuay Seashore
- Diane Hora
- 5 days ago
- 1 min read
iMINDSPH

Kamakailan lamang, isinagawa sa Barangay Simuay Seashore ang Expanded “B.I.S.I.T.A. sa Barangay” o Bringing Integrated Services and Innovation through a Team Approach ng lgu Sultan Mastura sa pangunguna ni Mayor Datu Armando Mastura, , kung saan nagkaroon ng bukas na dayalogo sa pagitan ng mga residente at opisyal ng pamahalaang bayan sa Barangay Simuay Seashore.
Sa pangunguna ni Barangay Chairman Nor Gampong Ibrahim, inilatag ng mga opisyal ng barangay at mga mamamayan ang ilan sa mga pangunahing problemang kinakaharap ng kanilang komunidad kabilang dito ang mga sirang pasilidad ng paaralan, kakulangan sa imprastraktura at iba pang lokal na pangangailangan.
Bilang tugon, agad na ipinag-utos ni Mayor Mastura sa Municipal Planning and Development Coordinator Engr. Mustapha Sinarimbo, katuwang ang Office of the Municipal Engineer at sa pakikipagtulungan ng Ministry of Public Works–BARMM, na magsagawa ng on-site survey at masusing pag-aaral sa mga lugar na nangangailangan ng agarang interbensyon.
Ang naturang inspeksyon ay nakatuon sa renobasyon ng mga silid-aralan at pagsasaayos ng mga imprastrakturang pampubliko, bilang direktang tugon sa mga hinaing ng mga residente at pamunuan ng paaralan.
Inaasahan na masisimulan ang renovation kapag natapos ang inspection at assessment ng LGU.



Comments