top of page

LGU Sultan Mastura at MAFAR BARMM, nanguna sa mangrove tree planting activity sa Simuay Seashore bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-62nd Fish Conservation Week

  • Diane Hora
  • Sep 29
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Pinangunahan ng LGU Sultan Mastura at MAFAR BARMM ang mangrove tree planting sa Simuay Seashore sa bayan na bahagi ng selebrasyon ng ika-62nd Fish Conservation Week.


ree

Isinagawa ng Sultan Mastura LGU at MAFAR BARMM ang mangrove tree planting sa Simuay Seashore sa bayan na bahagi ng selebrasyon ng ika-62nd Fish Conservation Week.


Sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Datu Armando Mastura, aktibong nakiisa ang LGU–Sultan Mastura sa pagtatanim ng mga bakawan bilang suporta sa adbokasiya ng pangangalaga sa kapaligiran at pangisdaang masagana.


Layunin ng aktibidad na paigtingin ang kamalayan ng publiko sa usaping pangkalikasan at hikayatin ang sama-samang pagkilos upang mapangalagaan ang mga likas-yaman na nagsisilbing pangunahing pinagkukunan ng kabuhayan ng maraming mamamayan.


Ayon sa LGU, ang bawat punong itinatanim ay hakbang tungo sa mas luntian at mas malusog na kinabukasan.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page