top of page

LGU Sultan Mastura, kinilala ang dedikasyon at sakripisyo ng mga guro sa pagdiriwang ng National Teachers’ Day

  • Diane Hora
  • Oct 1
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Isang makahulugan na pagdiriwang ng Municipal Teachers’ Day ang handog ng Sultan Mastura LGU.


Pinangunahan ito ni Sultan Mastura Mayor Datu Armando Mastura, Al-hadj, kasama ang kanyang maybahay na si Bai Ronda Mastura.


Dumalo rin sa nasabing selebrasyon ang Schools Division Superintendent ng Maguindanao del Norte, kasama ang iba pang opisyal ng MBHTE.


Bilang pagpapakita ng suporta, dumalo rin ang mga kasapi ng Sangguniang Bayan.


Sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Mastura, iginawad ang tatlong buwang honorarium sa 62 volunteer teachers ng Sultan Mastura mula buyan ng Hulyo hanggang Setyembre.


Ito ay mula sa Local School Board Fund.


Bukod dito, binigyan din ng parangal at sertipiko ang mga guro na nakapagsilbi ng dalawampung taon pataas bilang pagkilala sa kanilang malasakit at walang sawang serbisyo sa larangan ng edukasyon.


Lubos namang ipinahayag ng mga guro ang kanilang pasasalamat sa pagkilalang kanilang natanggap. Sa pagtatapos ng programa, muling ipinaabot ni Mayor Mastura ang kanyang mataas na pagpapahalaga sa sektor ng edukasyon at tiniyak ang patuloy na suporta ng lokal na pamahalaan.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page