top of page

LIBRENG ANTI-RABIES VACCINATION Ilalapit ng Provincial Government ng Maguindanao del Norte sa mga komunidad sa Datu Odin Sinsuat

  • Apr 14
  • 1 min read

iMINDSPH


Isasagawa ang libreng Anti-Rabies Vaccination Activity ngayong araw, April 14 hanggang 15, 2026 sa Brgy. Tamontaka, Brgy. Semba, at Brgy. Awang, Datu Odin Sinsuat.


Ito ay sa ilalim ng suporta at pamumuno ni Governor Datu Tucao Mastura.


Layunin ng aktibidad na maiwasan ang pagkalat ng rabies, isang nakamamatay ngunit maiiwasang sakit, sa pamamagitan ng pagbabakuna sa mga alagang aso at pusa.


Libre ang bakuna para sa mga alagang hayop at isinusulong din ang responsableng pag-aalaga ng mga ito.


Hinihikayat ang mga residente na dalhin ang kanilang mga alagang aso at pusa at makiisa sa naturang aktibidad.


Layunin din ng programa na makamit ang isang rabies-free na komunidad sa pamamagitan ng sama-samang aksyon ng pamahalaan at mamamayan.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page