Libreng eye check-up at medical mission, isasagawa ng Cooperative Office ng Cotabato City Government bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Cooperative Month
- Diane Hora
- Oct 13
- 1 min read
iMINDSPH

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Cooperative Month, isang libreng eye check-up at medical mission ang isasagawa ng Cotabato City Government sa pangunguna ng City Cooperative Office, sa darating na October 22.
Bukod ito, mamamahagi rin ng libreng reading eyeglasses, referral at libreng artificial tear eyedrops.
Ang pre-registration ay magsisimula ngayong araw, October 13 sa City Cooperative Office.
Paalala sa mga nagnanais magparehistro, magdala lamang po ng valid ID na may kumpletong address upang mapatunayan na ikaw ay residente ng lungsod.
First Come, First Served po ito dahil 200 slots lamang ang laan para sa mga residente ng lungsod.



Comments