Libreng pagproseso ng driver’s license, sisimulan muli ng tanggapan ni MP Hashemi Dilangalen ngayong darating na Lunes, January 5, 2026
- Jan 2
- 1 min read
iMINDSPH

Bahagi ng programa ng mambabatas na naglalayong palawakin ang ligtas at legal na pagmamaneho sa Bangsamoro.
Bukas ito sa BARMM residents na 18 taong gulang pataas na physically at mentally fit magmaneho. Bibigyan naman ng prayoridad ang mga residente ng Cotabato City.
Upang makapag-apply, kailangang:
1. I-follow at i-share ang Facebook page na Doc Hash Dilangalen; at
2. Magsumite sa kanilang opisina ng sumusunod na requirements (tig-2 photocopies):
• Valid ID
• Birth Certificate
• Certificate of Indigency
Office Address:
1C Rufo Mañara Ave., Brgy. Rosario Heights X, Cotabato City
Para sa karagdagang katanungan, maaaring makipag-ugnayan kay Emmir sa 0965 496 5787. Paalala ng tanggapan: sa Lunes, Enero 5, 2026 pa lamang tatanggap ng mga aplikasyon.
Pinaiigting ng inisyatibang ito ang adbokasiya sa road safety at access sa legal na mobility, lalo na para sa mga nangangailangan ng tulong sa pagkuha ng lisensya.



Comments