LIBRENG PATIENT TRANSPORT SERVICES sa South Cotabato, patuloy na ipinapatupad sa ilalim ng Free Patient Transport Services Program ng PDRRMO-South Cotabato
- Apr 16
- 1 min read
iMINDSPH

Sa South Cotabato, hindi lamang hospitalisasyon ang libre kundi pati ang paggamit ng Patient Transport Vehicles o PTVs.
Sa ilalim ng Free Patient Transport Services Program na pinangungunahan ng PDRRMO-South Cotabato, ipinagbabawal ang anumang paniningil, kabilang ang bayad sa gasolina at driver.
Simula noong 2019, libo-libo na ang natulungan ng programa.
Ayon sa PDRRMO, nitong nakaraang buwan ng Marso, 67 pasyente ang ligtas na naihatid sa mga pagamutan o naiuwi sa kanilang mga tahanan mula sa pagpapagamot nang walang binabayaran.
Para sa mga nais mag-avail ng serbisyo, maaaring makipag-ugnayan sa 0927-542-6430 para sa Globe at 0969-191-5810 para sa Smart.



Comments