top of page

LIBRENG SAKAY Alok ng Cotabato City Police Office lalo na sa mga mag-aaral kasabay ng pagpapatrol ng mga tauhan ng CCPO

  • 7 days ago
  • 1 min read

iMINDSPH



Ikinasa ng Cotabato City Police Office ang libreng sakay lalo na sa mga mag-aaral sa Cotabato City na apektado ng isinagawang tigil-pasada ng isang transport group sa lungsod.


Mahigit sa anim na patrol mobile ng CCPO ang kasalukuyang ginagamit sa pagbibigay ng libreng sakay sa iba’t ibang bahagi ng lungsod.


Ilan sa mga rutang dinaraanan ng libreng sakay ng CCPO ay mula Delta Bridge, De Mazenod hanggang Governor Gutierrez Avenue, gayundin ang Sinsuat Avenue hanggang Tamontaka Bridge at iba pang pangunahing daan sa lungsod.


Ayon pa sa CCPO, magpapatuloy ang libreng sakay hangga’t kinakailangan at habang umiiral ang tigil-pasada sa lungsod.


 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page