top of page

Libreng serbisyong pangkalusugan, hatid ng provincial government ng Maguindanao del Sur sa mga residente ng Datu Salibu

  • Writer: LERIO BOMPAT
    LERIO BOMPAT
  • 2 days ago
  • 1 min read

iMINDSPH



Bilang bahagi ng patuloy na paghahatid ng serbisyong panlipunan sa mga komunidad na higit na nangangailangan, ikinasa ng pamahalaang panlalawigan ng MagSur ang libreng serbisyong pangkalusugan sa mga residente ng Datu Salibu.


Hatid ng provincial at municipal teams ang libreng serbisyong medikal at dental, namahagi ng gamot, nagsagawa ng libreng tuli, feeding program, at tulong pang-edukasyon para sa mga bata at pamilyang benepisyaryo. Layunin ng programa na mapalapit ang mga pangunahing serbisyong pangkalusugan at pangkalinga lalo na sa mga liblib na lugar.


Ayon sa mga opisyal, ang medical mission ay konkretong patunay ng malasakit ng pamahalaang panlalawigan sa kapakanan ng mamamayan mula kalusugan hanggang edukasyon upang masigurong walang naiiwan sa pag-unlad.


Sa mensaheng dala ng programa: Serbisyo para sa lahat. Pag-unlad para sa bawat isa. Isang paninindigang patuloy na isinusulong ng Pamahalaang Panlalawigan ng Maguindanao del Sur kasama ang mga lokal na pamahalaan.


 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page