top of page

“LIBRENG SUKAT AT HANDOG TITULO PARA SA BANGSAMORO” Hatid ang Provincial Government ng Basilan kung saan ipinamahagi sa mga benepisyaryo ang titulo ng lupa

  • Mar 9
  • 1 min read

iMINDSPH



Isinagawa ang distribution ng mga land titles, araw ng Sabado, March 7 sa Raayat Hall, People’s Capitol, Lamitan City.


Bahagi ito ng selebrasyon ng Tennun Pakaradjaan sa Ramadhan 2026 at layunin ng inisyatibong ito na bigyan ng legal security at land titles ang bawat pamilyang Basileño at ang buong Bangsamoro.


Sa programa, binahagi ni Provincial Administrator Manny Muarip ang kahalagahan nitong programa.


Ayon kay Muarip, ang pagkakaroon ng sariling titulo ng lupa ay hindi lang nagdadala ng legal na pagmamay-ari, kundi pati na rin ng pag-asa at pagkakataon upang umunlad at umangat.


Binigyang diin naman ni Akmad Brahim, Minister, MENRE-BARMM ang kahalagahan ng kanilang programa.


Pinasalamatan naman ni Governor Mujiv Hataman ang MENRE-BARMM sa pagbabahagi ng ganitong programa.


Aniya, handa ang pamahalang panlalawigan sa anumang kolaborasyon upang matuldukan ang mga sigalot sa lupa o Rido.


Personal ding nakiisa at nag-abot ng suporta sina Muslima Asmawil, Deputy Minister ng MENRE, Atty. Badar Salendab, Director General ng MENRE, MP Don Mustapha Loong, Engr. Mohajirin Ali, Director General NG BPD-BARMM.


Kasama rin sa mga dumalo at nagbigay suporta si Akbar Mayor Alih Sali.


Sa pamamagitan ng pagkakaisa, mas pinapatatag natin ang pundasyon ng ating komunidad. Isang malaking pagbati sa lahat ng mga bagong may-ari ng titulo!

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page