Libreng veterinary services, pinalalakas pa ng provincial government ng Maguindanao del Sur upang isulong ang reponsible pet ownership, kaligtasan ng komunidad at suporta sa local farmers
- Diane Hora
- Oct 27
- 1 min read
iMINDSPH

Bilang bahagi ng pangako ng provincial government ng Maguindanao del Sur sa pamumuno ni Governor Datu Ali Midtimbang na pagtataguyod ng public health at animal welfare, inilunsad ng pamahalaang panlalawigan ang responsible pet ownership, safeguard residents, at suporta sa local farmers.
Kabilang sa hakbang na ito ang libreng anti-rabies vaccination, animal castration, consultation at vitamin supplementation, artificial insemination, at deworming services kung saan makakabenepisyo ang daan-daang households at livestock owners.
Ang libreng anti-rabies vaccination campaign ay nagbigay ng panibagong proteksyon sa dose-dosenang alagang hayop, habang tinuturuan din ang mga residente tungkol sa responsableng pag-aalaga ng hayop at pag-iwas sa sakit.
Sa pamamagitan naman ng libreng castration service, nabawasan ang bilang ng mga ligaw na hayop at napabuti ang kanilang kalusugan — isang patunay ng proactive na hakbang ng probinsya para sa kaligtasan ng komunidad at maayos na animal management.
Sa libreng konsultasyon at vitamin supplementation, nagbigay ang mga beterinaryo ng personalized na gabay tungkol sa nutrisyon at pangangalaga ng hayop, upang matiyak na nabibigyan ng sapat na atensyon ang mga alaga.
Samantala, sa pamamagitan ng artificial insemination program para sa livestock, higit pang napalakas ang agricultural sector ng probinsya sa pamamagitan ng pagpapabuti ng lahi ng hayop at pagtaas ng farm productivity.
Bilang karagdagang proteksyon sa kalusugan ng tao at hayop, nagsagawa rin ang PLGU ng deworming activities upang maprotektahan ang mga alagang hayop at mga working animals laban sa parasites at iba pang karamdaman.



Comments