top of page

Libu-libong miyembro at opisyal ng Committee on Da’wah and Masajid Affairs ang kanilang matatag na paninindigan sa pananampalataya at tapat na paglilingkod, gayundin ang suporta sa UBJP at MILF

  • Diane Hora
  • Sep 30
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Ipinamalas ng libu-libong miyembro at opisyal ng Committee on Da’wah and Masjid Affairs ang kanilang matatag na paninindigan sa pananampalataya at tapat na paglilingkod.


Kasabay nito, buong puso rin nilang ipinakita ang kanilang mainit na suporta kay United Bangsamoro Justice Party (UBJP) President at Moro Islamic Liberation Front Chairman Al Haj Murad Ebrahim bilang gabay at lider sa pagpapatatag ng Bangsamoro.


Ipinamalas ng libu-libong miyembro at opisyal ng Committee on Da’wah and Masjid Affairs ang kanilang matatag na paninindigan sa pananampalataya at tapat na paglilingkod sa ginanap na Da’wah Committee Annual General Assembly na may temang “Unity is Strength (Su Kasumpong na Bag’l)” sa Camp Darapanan, Simuay, Sultan Kudarat.


Kasabay nito, buong puso rin nilang ipinakita ang kanilang mainit na suporta kay United Bangsamoro Justice Party (UBJP) President at Moro Islamic Liberation Front Chairman Al Haj Murad Ebrahim bilang gabay at lider sa pagpapatatag ng Bangsamoro.


Laman ng mensahe ni Chairman Al Haj Murad, kanyang ipinaalala na ang tunay na lakas ng Bangsamoro ay nagmumula sa pagkakaisa, sa pagtitibay ng ating pananampalataya, at sa sabayang pagsisikap na isabuhay ang Da’wah.


Binigyang-diin nito na ang ating pagkilos ay hindi lamang para sa kasalukuyan kundi para sa kinabukasan ng bawat Bangsamoro—isang kinabukasang gabay ng pananampalataya, pinatatag ng pagkakaisa, at pinagyayaman ng sama-samang panalangin at pagkilos. Aniya, sa pagpapatatag ng ating Masjid at sa patuloy na paglaganap ng Da’wah, tayo ay nagiging ilaw at lakas ng ating pamayanan.


Sa pagkakaisa ayon sa opisyal, layunin at pananampalataya, tiniyak ni Chairman Murad na ang Bangsamoro ay patuloy na uunlad at magtatagumpay.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page