top of page

Libu-libong residente ng Datu Saudi Ampatuan ang benepisyaryo sa 3 araw nang Medical at Outreach Program ng Provincial Government ng Maguindanao del Sur

iMINDSPH


Sa ikatlong araw na paghahatid ng libreng serbisyong pangkalusugan ng provincial government ng Maguindanao del Sur sa bayan ng Datu Saudi Ampatuan-



Ang mga residente naman ng barangay Madia ang benepisyaryo ng programa.



312 adult patients at 49 na mga bata ang nakapagpakonsulta ng libre at nabigyan ng libreng gamot.



43 na residente ang nakapagpa check up at nagpabunot ng ngipin.



60 na residente ang nakapagpatuli ng libre, 145 na residente ang nabigyan ng eye glasses, tatlong daan ang nabigyan ng tsinelas at limang daan ang benepisyaryo ng feeding program.



Pinangunahan ni Mayor Edris Sindatok ang aktibidad kasama ang bise alkalde, mga konsehal at ilang kumander ng MNLF at MILF.



Dumalo sa medical at outreach program si Congressman Thong Paglas kung saan handog ng kanyang tanggapan ang sampung wheelchair para sa may kapansanan at mga may edad nang hirap maglakad.


Nagpapasalamat naman ang alkalde sa tulong ng pamahalaang panlalawigan.


Ang libreng serbisyong pangkalusugan ang isa sa mga flagship programs ni Governor Bai Mariam Sangki-Mangudadatu sa probinsya ng Maguindanao del Sur.

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page