top of page

LIBU-LIBONG STERILIZED MILK ipinamahagi ng MSSD BARMM sa daan-daang mag-aaral sa Maguindanao del Norte

  • 4 days ago
  • 1 min read

iMINDSPH

Ipinatupad ng MSSD-Maguindanao del Norte ang Supplementary Feeding Program Delivery of Milk Feeding para sa mga Day Care learners sa loob ng 120 araw.


Sa Sultan Kudarat, 150 learners ang nakatanggap ng 15,000 sterilized milk, habang sa Parang ay 200 learners ang nabigyan ng 24,000. Samantala, tig-100 learners naman sa Sultan Mastura, Matanog, Barira, at Buldon ang nakinabang, na may tig-12,000 sterilized milk bawat bayan.


Layunin ng programa na mapabuti ang nutrisyon at kalusugan ng mga batang nasa Day Care at masuportahan ang kanilang maayos na paglaki.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page