top of page

License To Operate aprubado na ng DOH para sa Polomolok Municipal Hospital Hemodialysis Unit

  • Feb 24
  • 1 min read

iMINDSPH



Ito ang masayang inanunsyo ni South Cotabato Governor Reynaldo Tamayo Jr kasunod ng isinagawang final inspection sa buong pasilidad na mayroong 10 dialysis machines.


Bukod sa Polomolok Municipal Hospital, sinabi ng gobernador na mayroon ding tig-10 units ng dialysis machines sa South Cotabato Provincial Hospital sa Koronadal City at sa Norala District Hospital, at nakatakdang magdadagdag pa aniya para mas marami pang nangangailangan at maserbisyohan.


Ayon kay Governor Tamayo, patuloy na inilalapit ng kanyang administrasyon ang libre at dekalidad na serbisyong medikal at pangkalusugan para sa mamamayan ng buong lalawigan.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page