LIGTAS NA NAPA-UWI SA KANI-KANILANG PAMILYA Ang 43 Pinoy mula Sabah sa tulong ng MSSD BARMM
- Mar 5
- 1 min read
iMINDSPH

Patuloy ang suporta ng MSSD sa mga nagbabalik-bayan matapos tulungang makauwi ang 43 Returning Filipinos from Sabah (ReFS) nitong Pebrero 27, 2026.
Ligtas na dumaong sa Mapun Pier ang mga returnees sakay ng lantsang M/L Christine. Agad silang sinalubong ng mga kawani mula sa MSSD Mapun Unit Office upang bigyan ng hot meals bilang paunang tulong pagkababa ng sasakyang pandagat.
Ayon sa MSSD BARMM, isinailalim ang mga ReFS sa masusing profiling at assessment upang matukoy ang kanilang pinagmulan at mapabilis ang family tracing. Batay sa ulat, karamihan sa kanila ay residente ng iba't ibang barangay sa Mapun, habang dalawa naman ay mula sa lalawigan ng Palawan.
Bilang suporta, bawat isa ay nakatanggap ng hygiene kit at welfare goods na naglalaman ng 25 kilong bigas, de-lata, at kape.
Nakipag-ugnayan din ang MSSD sa Philippine Coast Guard (PCG) Mapun upang masiguro ang seguridad ng mga ReFS. Kasama rito ang pag-asikaso sa dalawang (2) ReFS mula sa Palawan na nakauwi na rin, noong Marso 2, 2026.
Dagdag ng MSSD, ang operasyong ito ay bahagi ng Humanitarian Assistance and Transfer for Individuals in Distress o HATID Program ng MSSD. Layunin ng nasabing programa na magbigay ng proteksyon at tulong sa mga Locally Stranded Individuals (LSIs), mga nagbabalik na Pilipino, at iba pang vulnerable na sektor sa Bangsamoro region. (HMA/ICD)



Comments