LIGTAS ORIENTATION Isinagawa ng LGU Sultan Mastura sa 13 community-based volunteers hinggil sa disaster risk reduction at emergency response
- 6 hours ago
- 1 min read
iMINDSPH

Nagsagawa ang Local Government Unit (LGU) ng Sultan Mastura ng LIGTAS Orientation para sa mga community-based volunteers mula sa 13 barangay ng bayan noong Marso 10, 2026.
Sa naturang aktibidad, tig-isang volunteer representative mula sa bawat barangay ang lumahok.
Layunin ng orientation na mapalawak ang kaalaman at kamalayan ng mga volunteers upang maibahagi nila ang mahahalagang impormasyon sa mga residente sa kani-kanilang barangay at makatulong sa pagpapalakas ng kahandaan ng komunidad sa panahon ng sakuna at emergency.
Pinangunahan ang programa ni Municipal Administrator Datu Rauf Mastura, CPA, katuwang ang MSSD-BARMM, PDRRMO Maguindanao del Norte, at Bureau of Fire Protection–Sultan Mastura, na nagbigay ng mga gabay at impormasyon tungkol sa disaster risk reduction at emergency response.
Ayon sa LGU, mahalagang papel ang ginagampanan ng mga community volunteers sa pagpapalakas ng kaligtasan at kahandaan ng komunidad laban sa mga sakuna.



Comments