Livelihood unit ng Project TABANG, nagsagawa ng validation sa mga kooperatiba sa iba’t ibang parte ng rehiyon
- Diane Hora
- 1 hour ago
- 1 min read
iMINDSPH

Nagsagawa ng validation ang Project TABANG sa iba’t ibang kooperatiba sa rehiyon.
Inaalam ng Project TABANG kung nasusunod ng mga kooperatiba ang regional cooperative standards at kahandaan ng mga ito sa pagpapatupad ng agricultural input assistance.
Ikinasa ng livelihood unit ng Project TABANG ang serye ng validation activity sa iba’t ibang kooperatiba sa rehiyon.
Tinungo ng kawani ng programa ang kooperatiba sa bayan ng Shariff Saydona Mustapha at Talayan, Maguindanao del Sur, araw ng Biyernes, September 12.
Inaalam ng Project TABANG kung nasusunod mga kooperatiba ang regional cooperative standards at kahandaan ng mga ito sa pagpapatupad ng agricultural input assistance.
Tinungo rin ng Project TABANG ang iba’t ibang cooperatives sa Lanao del Sur at Rural Health Unit ng Saguiaran, Lanao del Sur mula a-10 hanggang a-12 ng Setyembre.
Nais ng programa na matiyak ang wastong paghahatid ng serbisyo at tulong sa lahat ng benepisyaryo.
Magsisilbi rin umanong benchmark ang findings ng validation para sa pagpapatupad ng mga proyekto ng Project TABANG sa hinaharap.
Comments