top of page

Local Development Investment Plan for chilren workshop, isinagawa sa Maguindanao del Sur

  • Diane Hora
  • 2 days ago
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Nagtipon ang mga kinatawan ng MSSD, IPHO, MBHTE, MOLE, PNP-CPWD, PENRO, mga tanggapan ng Maguindanao del Sur Provincial Government at mga miyembro ng Provincial Council for the Protection of Children para sa apat na araw na Local Development and Investment Plan for Children Workshop.


Pinangunahan ito ng Provincial Government katuwang ang UNICEF Philippines at KOICA.


Layunin ng workshop na gabayan ang mga lokal na pamahalaan sa pag-integrate ng mga child-focused programs sa kanilang mga investment plan, upang matiyak na ang karapatan, kapakanan at pag-unlad ng mga bata ay naisasama sa mga programa at alokasyon ng pondo ng pamahalaan.


Dumalo rin sa aktibidad si Vice Governor Ustadz Hisham Nando na nagpakita ng kanyang buong suporta sa pagpapatupad ng mga polisiya at programang makatutulong sa mga bata.


Ibinahagi rin ng mga resource persons mula sa UNICEF at partner agencies ang mga kasangkapan at pamamaraan sa pagbuo ng komprehensibong LDIPC na nakaayon sa Sustainable Development Goals at Philippine Development Plan for Children.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page