Localization Workshop On Preventing And Transforming Violent Extremism isinagawa ng Provincial Government ng Basilan upang palakasin ang kampanya kontra violent extremism
- Feb 24
- 1 min read
iMINDSPH

Higit pa sa isang simpleng workshop kundi isang konkretong hakbang para sa mas matatag na kapayapaan sa lalawigan ang isinagawang Localization Workshop on Preventing and Transforming Violent Extremism ayon sa Provincial Government ng Basilan.
Ang dalawang araw na aktibidad, mula Pebrero 24 hanggang Pebrero 25, ay naglalayong palakasin ang kakayahan ng Basilan sa pagtugon at pag-iwas sa violent extremism, lalo na’t nagbabago na ang anyo ng radicalization sa kasalukuyan.
Binigyang-diin ng Pamahalaang Panlalawigan ng Basilan na ang tunay na kapayapaan ay hindi lamang responsibilidad ng iisang sektor. Sa pakikipagtulungan sa Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity (OPAPRU) at iba pang ahensya ng pamahalaan, isinusulong ang tinatawag na “Whole-of-Government at Whole-of-Society Approach”.
Layunin nitong pagtibayin ang mga plano para sa pagkakaisa at hikayatin ang mga dating sangkot sa marahas na ekstremismo na magbalik-loob at makiisa sa pamahalaan.
Sa mensahe ni PTVE Program Head Ishmael Bahjin, ipinaliwanag niya na ang pangunahing layunin ng workshop ay tiyaking makakamit at mapapanatili ng Basilan ang kapayapaan, at maiwasan ang mga conflict bago pa man ito sumiklab.
Handa umano ang provincial government na makipagtulungan sa lahat ng ahensya upang tuluyang mapuksa ang ekstremismo at mapanatili ang tuloy-tuloy na kaunlaran sa lalawigan.
Samantala, ibinahagi ni Board Member Amin Hataman ang kanyang personal na karanasan noong kabataan, kung saan maaga niyang naunawaan ang tunay na kahulugan ng kalayaan, kapayapaan, at paninindigan. Binigyang-diin niya ang mahalagang papel ng empowered youth sa kasalukuyan at iginiit na ang pagkamit ng kapayapaan ay dapat nakaangkla sa magkaugnay na justice at development.



Comments