top of page

“Low Emerging Learners” sa Cotabato City, patuloy na bumaba ayon sa Phil-IRI; Pag-angat ng antas ng pagbasa ng mga mag-aaral sa lungsod, naitala rin

  • Jan 20
  • 1 min read

iMINDSPH


Sa inilabas na resulta ng Philippine Informal Reading Inventory (Phil-IRI) at iba pang learning assessments, naitala ang tuloy-tuloy na pagbaba ng bilang ng mga “Low Emerging” learners mula mula School Year 2021 hanggang 2025.


Ayon sa Schools Division of Cotabato City, ang positibong trend na ito ay bunga ng pinaigting na reading interventions, mas maayos na learning strategies, at aktibong partisipasyon ng mga guro at magulang sa lungsod.


Ikinatuwa ni Mayor Bruce Matabalao ang resulta ng naturang datos at pinuri ang patuloy na pagsusumikap ng sektor ng edukasyon. Gayunman, iginiit ng alkalde na kinakailangan pa rin ng mas masusing interbensyon upang masiguro ang tuloy-tuloy na pagbuti ng reading at numeracy skills ng mga mag-aaral at tuluyang matugunan ang learning gaps.


Ayon kay Mayor Matabalao, mahalaga ang matibay na pundasyon sa pagbasa at matematika upang masiguro ang kinabukasan ng bawat kabataan. Dagdag pa niya, nakasentro ang kanyang administrasyon sa pagsuporta sa mga programang nagsisiguro na ang lahat ng bata sa lungsod ay pumapasok sa paaralan at tunay na may natututunan.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page