LTFRB at BLTFRB, nagpulong upang palakasin ang sistema ng pampublikong transportasyon sa BARMM
- Diane Hora
- 2 days ago
- 1 min read
iMINDSPH

Pinangunahan ang dayalogo ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board Chairman Atty. Vigor Mendoza II kasama ang mga kinatawan ng Bangsamoro Land Transportation Franchising and Regulatory Board sa pangunguna ni Director I Jobayra Tandalong bilang tugon sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at sa gabay ni Department of Transportation Acting Secretary Atty. Giovanni Lopez.
Layunin ng pulong na mapalakas at mapabuti ang sistema ng pampublikong transportasyon sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao bilang bahagi ng pambansang adbokasiya tungo sa isang mas maayos at inclusive na transport system sa ilalim ng hakbang na Bagong Pilipinas ni Pangulong Marcos, Jr.
Tinalakay sa pagpupulong ang mga konkretong hakbang upang mapaigting ang koordinasyon, regulasyon at serbisyo ng pampublikong transportasyon sa rehiyon at matiyak na maging bahagi ng pambansang roadmap para sa modernisasyon at accessibility ng transport sector.
Ayon kay Chairman Mendoza, ang ganitong mga inisyatiba ay patunay na sa ilalim ng Bagong Pilipinas, walang maiiwan at tulad ng BARMM ay kasama rin sa pag-unlad.
Patuloy naman ang LTFRB at BLTFRB sa pagpapaigting ng mga reporma para sa mas maayos na transport systems sa Bangsamoro region.



Comments