Mabenta ang mga prutas sa mga pamilihan sa Cotabato City ngayong ramadan
- Feb 23
- 1 min read
iMINDSPH

Mabenta ang mga prutas sa lungsod ng Cotabato tulad ng mangga, watermelon, apple at papaya, lalo na tuwing hapon bago mag-Iftar. Ayon sa ilang vendor, nananatiling maayos ang presyo ng mga ito at wala namang naitalang malaking pagtaas.
Samantala, ayon kay Christine, may-ari ng isang bakery, malakas din ang bentahan ng tinapay ngayong Ramadan. Mayroon lamang umanong dagdag na dalawang piso sa bawat tinapay.
Sa ibang bilihin, may dagdag na anim na piso sa itlog habang nananatili naman sa 28 pesos kada bote ang mantika.
Narito ang kabuuang presyong naitala:
Itlog – Small: 210, Medium: 220, Large: 230
Mantika – 28 pesos kada bote
Mangga – 100 pesos (Piko), 120 pesos (Cebu)
Watermelon – 45 hanggang 50 pesos kada kilo
Tinapay – 45 hanggang 50 pesos
Karaniwang nagsisimula ang operasyon ng ilang tindahan sa Mega Market mula alas dos ng hapon hanggang alas sais ng gabi.
Sa kabila ng bahagyang paggalaw sa ilang produkto, nananatiling matatag ang suplay at presyo ng mga pangunahing bilihin ngayong ramadan sa lungsod.



Comments