top of page

Mabilis na pagtugon sa sea mishap sa Basilan na kumitil ng 40 buhay, ipinag-utos ni BARMM Interim Chief Minister Abdulraof Macacua sa MILG at MSSD

  • Diane Hora
  • Feb 2
  • 1 min read

iMINDSPH


Naglabas ng direktiba si Chief Minister Abdulraof “Sammy Gambar” Macacua sa Ministry of the Interior and Local Government (MILG) at Ministry of Social Services and Development (MSSD) na pangunahan ang isang coordinated operation para sa mga biktima ng trahedya sa dagat na kinasangkutan ng MV Trisha Kerstin sa Basilan.


Ito ang ibinahaging impormasyon ng Office of the Chief Minister-Strategic Communication


Alinsunod sa utos ng Chief Minister, isinagawa pagpapadala ng MILG-Basilan at Bangsamoro READi ng isang technical team upang umalalay sa Provincial LGU ng Basilan. Nakatutok ang grupo sa Management of the Dead and Missing (MDM) para sa maayos na pag-rekober at dokumentasyon ng mga biktima.


Sa ilalim ng utos ni CM Macacua, nagtatag ng centralized office upang mabilis na matugunan ang mga hinaing ng mga pamilya, mangolekta ng impormasyon sa mga nawawala, at mapabilis ang pagpapaabot ng tulong mula sa iba’t ibang ahensya ng BARMM.


Inatasan din ang MSSD-Sulu na maghatid ng kaukulang ayuda. Sa kasalukuyan, 51 pamilya na ang nakatanggap ng food packs at essential non-food kits sa lalawigan ng Sulu.


Kasalukuyang isinasagawa ang isang response cluster meeting kasama ang Philippine Coast Guard (PCG), PNP, Philippine Red Cross, at mga DRRMO ng Isabela City at Lamitan City upang masiguro ang maayos na daloy ng operasyon.


Binigyang-diin ni CM Macacua na prayoridad ng rehiyon ang isang makatao at mabilis na pagtugon upang maibsan ang bigat na nararanasan ng mga apektadong pamilya sa gitna ng insidenteng ito.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page