top of page

Macacua: Bangsamoro Initiatives for Peace and Solidarity, hakbang tungo sa mas matatag na Bangsamoro

  • Jan 12
  • 1 min read

iMINDSPH


Salamin ng paninindigan ng pamahalaan at mamamayan na palakasin ang pagkakaisa at isulong ang proseso ng kapayapaan sa rehiyon, ganito inilarawan ni BARMM Interim Chief Minister Abdulraof Macacua ang paglulunsad ng Bangsamoro Initiatives for Peace and Solidarity.


Ayon sa Punong Ministro, ang inisyatiba ay nakaugat sa prinsipyo ng moral governance, kung saan ang pamumuno ay ginagabayan aniya ng malinaw na pagpapahalaga, pananagutan, at malasakit.


Aniya, ang ganitong uri ng liderato ang nagbibigay saysay sa peacebuilding at nagsisiguro na ang kaunlaran ay tunay na nararamdaman hanggang sa antas ng komunidad.


Sa ilalim ng Bangsamoro Initiatives for Peace and Solidarity, mas pinatitibay ang dayalogo sa pagitan ng iba’t ibang sektor, mas pinapalalim ang solidarity, at mas pinalalakas ang kooperasyon ng mga Moro, Indigenous Peoples (IP), at settler communities—mga haliging mahalaga ayon kay Macacua sa pangmatagalang kapayapaan at inklusibong pag-unlad.


Dagdag pa ni Macacua, ang programa ay hindi lamang serye ng aktibidad kundi isang kolektibong panata ng Bangsamoro Government at ng mamamayan na gampanan ang kani-kanilang responsibilidad sa pagtataguyod ng kapayapaan, pagkakaisa, at sustenableng kaunlaran.


Dumalo sa pagtitipon ang mga elected officials at iba pang lider sa rehiyon.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page